Sunday, March 13, 2011

LIBRE MANGARAP

"LIBRE MANGARAP"
Ipikit ang iyong mga mata
Pakinggan ang bawat hinga
Huwag didilat kung hindi pa kaya
Manalangin sa bawat kaba
Mga panahong hindi sigurado
Kulang na lang mabato
Sa bawat oras at minuto
Pakinggan mo na lang ako
Ipikit ang iyong mga mata
Isipin lang ang gustong makita
Libre lang mangarap diba?
Kaya't imulat matalinghaga mong mata
Walang ibang araw kung di ngayon na….
Mga bagay na nangdedehado
Huwag bigyang pansin ang 'di totoo
Kung hindi ngayon, kailan at papaano?
Magtiwala ka sa Ama na nagplano
May dahilan ang lahat sa mundo
Kung hindi alam huwag magmarunong
Libre naman mangarap sa isip mo
Tumayo ka at ito ang gawin mo…
Ipikit ang iyong mga mata
Magagandang bagay na gustong makita
Libre mangarap kahit kailan mo gusto
Idilat mo mga matang namumugto
Liwanag lang ang makikita mo….

No comments: